Blog Tools
Edit your Blog
Build a Blog
RSS Feed
View Profile
« November 2007 »
S M T W T F S
1 2 3
4 5 6 7 8 9 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30
You are not logged in. Log in
Entries by Topic
All topics  «
bigong bata
Chismis
Graduation
life kong weird
wala lang
pc geeks' resources
bootdisk
pc hardware
major geeks
forgotten-vodka
Monday, 26 November 2007
ang kapal!!!!
Mood:  amorous
Topic: life kong weird

 

Ang kapal ng mukha ko sabi nila to give advice on how to move on when ako mismo hindi mka-move-on. Sabagay ang dali magsabi na hiwalayan mo na yung isang tao, lalo pa at hindi naman ako ang nasa sitwasyon mo. Hindi naman ako ang nakasama nya sa saya, lungkot o pagbabago. Hindi naman ako yung naka-sex nya. At higit sa lahat, hindi ko naman naranasan yung sakit at sarap na dulot pagmamahal nya. Basta ang alam ko lang, bad sya kasi sinasaktan ka nya. So paano na? hahayaan na lang ba kita na paulit-ulit na masaktan tapos paulit-ulit lang ako makikinig sa’yo. Pagkatapos nun, paulit-ulit rin lang ako maasar sa kanya at iisip ng paraan para itakas ka sa masakit mong karanasan sa kanya. Pagkatapos ano? Ganun ba ulit?

Hindi ka naman kasi nakikinig. In fact, Dumadami pa kayo. Pati mga kaibigan ng girlfriend ko ganun na din katigas ang ulo. Bakit ba kami ang nilalapitan ninyo kung ayaw nyo rin lang makinig. Minsan masaya ko at sakin mo sinasabi yan, ibig sabihin may tiwala ka sakin. Pero minsan, di ko mapigilang isiping tanga ka.

Oo na makapal ang mukha ko, kasi ako rin naman tanga kadalasan sa pag-ibig. Sabi nga nila “love brings out the stupid part of you.” Naiisip ko tuloy, sana naging tanga na lang ako sa school o sa pag-mamaneho. Baka sakaling nabawasan ang katangahan ko sa pag-ibig. Tama nga, ang kapal ng mukha ko para sabihin na tanga ka, samantalang ako ata mas tanga pa. so pano na ngayon? Nagsama tayong parehong tanga? May malulutas ba tayong problema neto?


Posted by forgotten-vodka at 1:16 PM WST
Share This Post Share This Post
Post Comment | Permalink

View Latest Entries