Blog Tools
Edit your Blog
Build a Blog
RSS Feed
View Profile
« November 2007 »
S M T W T F S
1 2 3
4 5 6 7 8 9 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30
You are not logged in. Log in
Entries by Topic
All topics  «
bigong bata
Chismis
Graduation
life kong weird
wala lang
pc geeks' resources
bootdisk
pc hardware
major geeks
forgotten-vodka
Monday, 26 November 2007
salamin
Mood:  crushed out
Topic: life kong weird

"Musta naman? Parang masigla ka ata." Sabi mo habang naghuhubad ako ng sapatos.

"Ayos lang. Nagkausap uli kami."

"Sino? Ang dati mong girlfriend?"

"Oo. Naghiwalay na ata sila ng boyfriend niya. Nagtext siya sa kin kagabi kung pwede daw kaming magkwentuhan. Di nag-reply ako. Parang wala naman kaming pinagsamahan kung iisnabin ko sya di ba?"

"Sa bagay. Bakit naman daw ikaw ang tinext niya? Wala ba siyang ibang matext?"

"Ewan ko. Hindi ko alam. Ang dami naman daw na nanliligaw sa kanya. Malay mo miss nya ako?"

"Asa ka pa. Ano naman kwinento sa iyo"

"Birthday niya kasi nung November. Bakit daw hindi ko siya tinawagan. Hindi ko rin daw siya tinext. Hindi ko nga siya maintindihan kasi hindi naman niya ako boyfriend. "

"Baka naman na-realize niya na ikaw mahal niya."

"Hindi ko alam. Sinabi rin niya yung naging problema nila ng boyfriend niya kaya nagkahiwalay sila. Parang ang daming iniisip. Pinapatawa ko nga eh."

"Ano namang pakiramdam noong magkausap kayo? Ngayon lang kayo nagkausap uli pagkatapos ng hiwalayan ninyo di ba?"

"Oo. Wala lang."

"Sige matutulog na ko. Bukas na lang tayo magkwentuhan uli."

Napansin mo siguro na natahimik ako. Naalala ko kasi ang mga sinabi nya. Kahit hindi niya sabihin sa kin. Alam kong iba pa rin mahal niya. Akala ko wala na kong mararamdaman nang magkausap kami pero bakit naiinggit ako sa lalaking yun? Noon pinili kong lumayo para makasama niya mahal niya. Pero nasaktan lang pala siya. Naisip ko siguro mabait lang siya sa akin ngayon kasi wala siyang makausap. Pero naniniwala pa rin ako sa lahat ng sinasabi niya. Habang nag-uusap kami gusto ko siyang yakapin. Gusto kong sabihin na mahal ko pa rin siya. Pero hindi ko nagawa.

Gusto ko pa sanang makipagkwentuhan sa iyo pero inaantok ka na pala. Sige bukas na lang kita kakausapin, pagharap ko uli sa salamin.

 


Posted by forgotten-vodka at 3:09 PM WST
Share This Post Share This Post
Post Comment | Permalink

View Latest Entries