Forgotten Vodka

Mga Bisyo Ko

Babala
In Solitude
Ako
Ako Nanaman
Mga Bisyo
Mga Raket Ko
Mga Pangarap
Peborits
Mga Tao
Crush Ko - My#1
Crush Ko - My#2
Crush Ko - My#3
My Photo Album
Bespren
Miner
Miner Uli
Mine & Me
Soul Mate
Babae
Love Story I
Self-Confidence
Nakaraan
Secrets
Ako Daw Ay
Mga Tula At Kwento
Favorite Articles
My Blog
My New Blog
Natutunan Ko

Bisyo: mahilig ako matulog (batugan daw) at kumain (walang pinipiling pagkain, walang pinipiling oras).. kya ko rin matulog ng nkaupo at nkatayo -- (mananaginip p ko nun ha).. kaso kaylangan ko ng patungan ng paa pag natutulog tska kaakap o kya dapat may hawak ako na kamay.. kaya pag walang available na pillow, humanda ang katabi ko! haha! pag gising mo, instant patungan ng paa ka na! o kya, nkadagan na kamay ko syo!

 

mahilig din ako sa kape, kapeng barako, 3-in-1 intense, hot coffee, iced coffee, kape sa may kanto, kape sa star at select, coffee candy, coffee tea, coffee scent cologne, kape ng mister donut (walang tatalo pare), kapeng quezon, lalo na yung libreng kape sa pantry hahaha

 

a, mahilig din ako sobra sa KFC, lalo na sa KFC gravy.. ewan ko, pero tingin ko, wala ng tatalo sa kin sa kapal ng mukha sa paghingi ng gravy.. pagdating ng gravyman, para ng sinabawan ang kanin ko dahil sa dami.. mahilig din ako sa ice cream! yung medyo tunaw na kasi matigas pag malamig hahaha ako ang tagaubos ng pagkain ng lhat ng tao (pag may natitira lang kc malakas din kumain yun mga kasama ko).. at mkikipagpatayan sa mga huling piraso ng pagkain.. gusto ko ng pagkaing maanghang. pag wala, lalagyan ko ng pampaanghang.

 

mahilig ako makipagdebate kahit saan, sa tambay sa kanto, sa bahay, sa labas ng ospital, sa school ng kapatid ko, basta dun! gusto ko lang lagi magsalita ng magsalita o mang-asar pwede na rin hehe pero hindi ako mahilig sa telebabad parehong nagsasalita at nakikipag-usap pero kasi masakit sa tenga, di ba? hahahaha

 

hindi ako umiinom, minsan lang pag tinawag ng pangangailangan. dati adik ako sa vodka. Russian lalo na saka mudshake vodka, mocca flavor. ayoko ng beer, dati red horse lang umuubra sakin. hindi ako naninigarilyo (baka gusto mo madedbol ako). di ako marunong magbaraha o kung anumang sugal. ayoko lang, sayang oras eh!

 

isa pang bisyo ko, magbasa, tambay ako lagi sa library, sa humanities, 5th floor hahaha malamig na, astig pa yung mga libro. kapag naman trip lang, sa serials ako sa 6th floor. kapag matutulog na, di pwedeng wala kong nababasang libro kasi parang kulang ang araw ko kaya kahit antok na antok na ko, kelangan magbasa, kahit isang page lang hehe alam nyo yung pandasal? yung ginagamit na guide ng lectors sa simbahan, yun binabasa ko pagkagising ko sa umaga. Hehe weird ko ba?

All Rights Reserved. Carlos Jao 2007.