Blog Tools
Edit your Blog
Build a Blog
RSS Feed
View Profile
« December 2007 »
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31
You are not logged in. Log in
Entries by Topic
All topics  «
bigong bata
Chismis
Graduation
life kong weird
wala lang
pc geeks' resources
bootdisk
pc hardware
major geeks
forgotten-vodka
Tuesday, 4 December 2007
What The?
Mood:  irritated
Topic: life kong weird
bakit ganun? why laging failed?

Posted by forgotten-vodka at 2:59 PM WST
Share This Post Share This Post
Post Comment | Permalink
Monday, 3 December 2007
great weekend
Mood:  a-ok

Damn I’m too busy today! Load of paperworks, recruitment and training…well most of my time is spent on preparing for our Christmas party. Tomorrow is boss’ birthday, hmm what shall be our gimik this time…Now with recruitment, I guess I’m lucky its raining referrals (hehe) or is it about my newly launched internal referral system. Dang! Kahit ano pa yan at least ok ang supply ko. On the brighter side of life hehe my weekend is so cool. Met up with bandmates, earn a little additional money for mom. Known new friends from that gig. I’ve known a few who influenced my life in an instant. Well, first is mark, the freak manager. I’ve known for like what, 3 weeks pa lang but I’m glad we get along well and he has lots of inspiring stories and pieces of advice. From him, I learned that being a bastard doesn’t lead me to building a bastard kingdom. It leads to failed relationships. I agree to that and that’s totally true. Next is JB’s girlfriend, Nica, who was a lesbian turned hottie. Well, she told me that even how decided a person can be, he or she can change her mind in an unexpected time. I rather not agree because everything happens for a reason and that reason is the basis for change. Magulo ba? Haha ako din naguguluhan na eh. Now last is pare, she is my female counterpart. Her family set-up is as complicated as mine. Everything seems to be just like the same. I’m glad that I’ve known her. Really. Even if she’s tetchy at times.


Posted by forgotten-vodka at 11:17 AM WST
Updated: Thursday, 6 December 2007 10:51 AM WST
Share This Post Share This Post
Post Comment | Permalink
Monday, 26 November 2007
Binatang Ama
Mood:  accident prone
Topic: life kong weird

Ang hirap pag binata ka pa at tatlo na ang anak mo.

O alam ko na ang sasabihin mo, chickboy ako? Dehins yata!

Namulat lang ako sa maagang pagpapamilya. Ang hirap nga eh, hindi ko talaga masabing anak ko sila. Para kasing wala akong karapatang angkinin sila, considering the fact na hindi naman kami ng mga nanay nila. Hindi ko alam kung dahil ba sa impluwensya yun ng kuya ko, nanay ko o tatay ko. Basta alam ko, nagawa ko yun ng hindi ko naiisip kung anong pwedeng kahantungan.

Nanay at tatay ko, ginawa ang kuya ko, 2nd year college pa lang. Naghiwalay pagkatapos manganak at nagpakasal sa iba ang tatay ko (weird). Hmm iniisip ko tuloy kung sino ba ang nanay ko sa buhay ng tatay ko, sya kaya ang orig? O sya ang inanakan lang.

Uso na pala ang tanga nung araw kasi pagkatapos sya anakan ng tatay ko, konting lambing lang at nabuo na ako. Lumaki na palipat-lipat sa kamag-anak simula nung nag-asawa na rin ang nanay ko.

Kung tatanungin mo ko, malaki talaga ang pamilya ko. Siyam kami, sa loob at sa labas. Ang kuya ko, di na mabilang ang panganay at ako, ayun nga, tatlo na ang anak ko. Yung isa nga nag-aaral na.

High-school pa lang ako, tatay na ko. Tatay ng isang batang kailanman hindi ipinakita sakin ng nanay nya. Ayaw na raw nya ng gulo at may sariling pamilya na sya ngayon. Malungkot kasi hindi ko man lang mayakap ang panganay ko.

Ang kambal kong mga anak. Iniwan na nila ko agad, dun na sila maninirahan for good. Ngayon…hindi ko maisip kung ano bang gagawin ko sa buhay ko. Masama ako, confused, misunderstood…at ayoko na ring mag-isip.


Posted by forgotten-vodka at 4:14 PM WST
Updated: Monday, 3 December 2007 5:39 PM WST
Share This Post Share This Post
Post Comment | Permalink
salamin
Mood:  crushed out
Topic: life kong weird

"Musta naman? Parang masigla ka ata." Sabi mo habang naghuhubad ako ng sapatos.

"Ayos lang. Nagkausap uli kami."

"Sino? Ang dati mong girlfriend?"

"Oo. Naghiwalay na ata sila ng boyfriend niya. Nagtext siya sa kin kagabi kung pwede daw kaming magkwentuhan. Di nag-reply ako. Parang wala naman kaming pinagsamahan kung iisnabin ko sya di ba?"

"Sa bagay. Bakit naman daw ikaw ang tinext niya? Wala ba siyang ibang matext?"

"Ewan ko. Hindi ko alam. Ang dami naman daw na nanliligaw sa kanya. Malay mo miss nya ako?"

"Asa ka pa. Ano naman kwinento sa iyo"

"Birthday niya kasi nung November. Bakit daw hindi ko siya tinawagan. Hindi ko rin daw siya tinext. Hindi ko nga siya maintindihan kasi hindi naman niya ako boyfriend. "

"Baka naman na-realize niya na ikaw mahal niya."

"Hindi ko alam. Sinabi rin niya yung naging problema nila ng boyfriend niya kaya nagkahiwalay sila. Parang ang daming iniisip. Pinapatawa ko nga eh."

"Ano namang pakiramdam noong magkausap kayo? Ngayon lang kayo nagkausap uli pagkatapos ng hiwalayan ninyo di ba?"

"Oo. Wala lang."

"Sige matutulog na ko. Bukas na lang tayo magkwentuhan uli."

Napansin mo siguro na natahimik ako. Naalala ko kasi ang mga sinabi nya. Kahit hindi niya sabihin sa kin. Alam kong iba pa rin mahal niya. Akala ko wala na kong mararamdaman nang magkausap kami pero bakit naiinggit ako sa lalaking yun? Noon pinili kong lumayo para makasama niya mahal niya. Pero nasaktan lang pala siya. Naisip ko siguro mabait lang siya sa akin ngayon kasi wala siyang makausap. Pero naniniwala pa rin ako sa lahat ng sinasabi niya. Habang nag-uusap kami gusto ko siyang yakapin. Gusto kong sabihin na mahal ko pa rin siya. Pero hindi ko nagawa.

Gusto ko pa sanang makipagkwentuhan sa iyo pero inaantok ka na pala. Sige bukas na lang kita kakausapin, pagharap ko uli sa salamin.

 


Posted by forgotten-vodka at 3:09 PM WST
Share This Post Share This Post
Post Comment | Permalink
ang kapal!!!!
Mood:  amorous
Topic: life kong weird

 

Ang kapal ng mukha ko sabi nila to give advice on how to move on when ako mismo hindi mka-move-on. Sabagay ang dali magsabi na hiwalayan mo na yung isang tao, lalo pa at hindi naman ako ang nasa sitwasyon mo. Hindi naman ako ang nakasama nya sa saya, lungkot o pagbabago. Hindi naman ako yung naka-sex nya. At higit sa lahat, hindi ko naman naranasan yung sakit at sarap na dulot pagmamahal nya. Basta ang alam ko lang, bad sya kasi sinasaktan ka nya. So paano na? hahayaan na lang ba kita na paulit-ulit na masaktan tapos paulit-ulit lang ako makikinig sa’yo. Pagkatapos nun, paulit-ulit rin lang ako maasar sa kanya at iisip ng paraan para itakas ka sa masakit mong karanasan sa kanya. Pagkatapos ano? Ganun ba ulit?

Hindi ka naman kasi nakikinig. In fact, Dumadami pa kayo. Pati mga kaibigan ng girlfriend ko ganun na din katigas ang ulo. Bakit ba kami ang nilalapitan ninyo kung ayaw nyo rin lang makinig. Minsan masaya ko at sakin mo sinasabi yan, ibig sabihin may tiwala ka sakin. Pero minsan, di ko mapigilang isiping tanga ka.

Oo na makapal ang mukha ko, kasi ako rin naman tanga kadalasan sa pag-ibig. Sabi nga nila “love brings out the stupid part of you.” Naiisip ko tuloy, sana naging tanga na lang ako sa school o sa pag-mamaneho. Baka sakaling nabawasan ang katangahan ko sa pag-ibig. Tama nga, ang kapal ng mukha ko para sabihin na tanga ka, samantalang ako ata mas tanga pa. so pano na ngayon? Nagsama tayong parehong tanga? May malulutas ba tayong problema neto?


Posted by forgotten-vodka at 1:16 PM WST
Share This Post Share This Post
Post Comment | Permalink
Sunday, 25 November 2007
My girlfriend's shrimpy friend
Mood:  caffeinated
Topic: Chismis

Oh well, this morning, I was ENLIGHTENED (haha) by the story of my girlfriend's shrimpy friend. I wasn't so sure how to react at first because I don't want to sound like mothers. But then, I sounded like one (I think).

However, this remained as an option until shrimpy finds it cool. Definitely she wouldn't but I really hope she changes her mind. Now I'm finding ways to help shrimpy but I can't force her if she thinks that my offer is just a waste of time. I need her cooperation if she permits us to help her. 


Posted by forgotten-vodka at 11:08 PM WST
Updated: Monday, 3 December 2007 5:36 PM WST
Share This Post Share This Post
Post Comment | Permalink
Wednesday, 31 October 2007
matatapos din to
Mood:  blue
Topic: bigong bata

Dito ka lang sa tabi ko. Gusto kitang makasama, minsan pa, kahit ngayon lang. Maramdaman ang init ng ‘yong katawan. Hinahanap ko ang kalingang iyan. Sumandig ka, kahit bahagya, wala lang, gusto ko lang ng may kasama. Gusto kong maramdamang panatag ka sa akin, at ako sa’yo.

Iba ka, kaya ikaw ang gusto kong kasama. Alam mo yun.

Dito ka lang. Ano na nga ba yung kinukwento mo? Ituloy mo nga, makikinig ako. Hinahanap ko ang tinig mo, para akong dinuduyan ng bawat tawa, naaaliw ako sa twing bubungisngis ka, panatag ako sa’yo. ‘Yang tinig na yan ang gusto kong naririnig kapag kinakabahan ako, yan din ang gusto kong marinig bago matulog, hinahanap ko yung boses na magsasabing kumusta ka. At yan din ang  gusto kong gumising sa akin sa umaga. Alam kong buo ang araw kung ikaw ang makikita ko. Kung maririnig kita.

Kilala na kita. Hindi na ko nangingilala sa’yo.

Dito ka lang. Ano ulit yung mga plano mo? Parehas ba tayo? Gusto ko rin yun. Ituloy kaya natin? Minsan magkaiba nga tayo ng pinaniniwalaan, pero umaabot tayo sa hangganan  ng pagkakaunawaan, ng paggalang at pagtanggap sa kung ano ang makabubuti sa atin. Minsan nahihiwagaan ako sa’yo, pero ang hiwaga na yan ang lalong naglalapit sa atin.

Hindi ka na iba sa akin.

Dito ka lang. Sa bawat hikbi at halakhak, kasiyahan o kalungkutan, nararamdaman kita. Alam ko ang magpapasiya o magpapatahan sa’yo. Alam ko ang dahilan ng bawat pagtatampo mo. Dahil ako at ikaw, malalim na ang pagkakaugnay. Iisa na ang hibla ng pagkatao. Iisa ang pinaghuhugutan ng ating hininga.

Iisa tayo. 

Musta ka na? Kelan nga ba tayo huling nagkita? Ay oo, tama. Hehehe. Nakakahiya. Akalain mong napagdaan ko iyon. Akalain mong nakasurvive ako sa relationship na ‘yon.

Okay na ko ngayon. Tama ka. Naghihilom rin ang sugat. Parang kelan lang iyak ako ng iyak at lahat na ata ng tao sa opisina ay nagsawa na sa mga bitterness ko. ‘Uy, salamat ha… salamat kasi nakinig ka. Kahit alam ko namang wala kang masabi at hindi mo alam kung anong ipapayo mo, nakinig ka pa rin. Pinaramdam mo na sincere ka. Okay na yun.


Posted by forgotten-vodka at 9:47 AM JST
Share This Post Share This Post
Post Comment | Permalink
Monday, 29 October 2007
fear of losing mine
Mood:  hug me
Topic: life kong weird
wala na kong time for her. tinatamad ako gumawa, gumalaw, magsalita. gusto ko lang mahiga at maglaro ng maglaro ng pc. ayaw ko ng mag-isip. gusto ko lang ng tahimk na buhay. gusto ko matulog ng mahimbing. mine wala na kong time for you...hay anong gagawin ko.

Posted by forgotten-vodka at 1:01 PM JST
Updated: Monday, 26 November 2007 11:16 AM WST
Share This Post Share This Post
Post Comment | Permalink
Sunday, 28 October 2007
Confessions
Mood:  caffeinated
Topic: life kong weird

I’m feeling so low. I haven’t got a good sleep and a good food for three days already. I’ve been up all night, thinking and slithering against my sheets. I’m caught up in between my fantasy and the reality. I’ve never been this sad in my whole life. It’s not just love which took me away from sanity. It’s everything. Why I’m such a failure. I got 3 kids, no wife and a pile of bills but I can’t seem to find myself. It’s the realization that I’m looking forward to. My boss often praises my good works but it doesn’t work for me much because I feel that I’m underpaid. There’s so much to give and yet I can’t find the drive to work. Aside from the fact that I’m a failure in most aspects in my life, I can’t seem to straighten up things. Now I’m so so sad and I can’t hide it. I don’t know what to do.


Posted by forgotten-vodka at 9:35 PM JST
Updated: Wednesday, 31 October 2007 9:43 AM JST
Share This Post Share This Post
Post Comment | Permalink
matuto ka nga!
Mood:  irritated
Topic: bigong bata

Wala akong aklat na naisulat na tungkol sa pag-ibig o di kaya ay mga payo kung paanong makahahanap at makakawala dito. Hindi ko ito expertise.

Ang Pag-ibig. Masaya, iba ang pakiramdam. Inuugoy ka, kinikiliti ang imahinasyon, inaakit hanggang sa tuluyang magpatangay sa agos nito. 

May sarili raw na mundo ang pag-ibig. Dito walang patakaran. Walang rules. Kaya nga di ba, sabi… hahamakin ang lahat makamit ka lamang. 

Aminin mong natuto kang magsinungaling. Aminin mong may nasaktan ka; tinalikuran na kaibigan, pinagtakpang katotohanan, sinuway na magulang, inilihim sa kapatid o anak, nilabanang mga kaopisina, pikitmatang tinanggap ang kahinaan niya, nagbingi-bingihan sa tsismis at binalewalang moral - dahil umiibig ka, ‘ika mo nga. Dahil kalayaan ang umibig. 

Hanggang sa ang isang masayang mundo sa piling ng mga kaibigan, katrabaho at kapamilya ay napalitan ng isang mas intimate na mundo sa piling niya. Tanging kayo lang ang nagkakaintindihan. Na tingin pa lang ay pangungusap na sa iyo. Na ang buntunghininga niya ay karugtong ng paghinga mo. Na ikaw at siya ay magkaugnay – hanggang sa maging isa kayo. 

At unti-unti ay bumuo kayo ng mas maliit na mundo.Unti-unti, ang lihim niya ay lihim mo. Hanggang sa natutuklasan mo na ang kahinaan niya. Naiintindihan mo na ngayon ang salitang individual differences. At sumasayaw ka pa rin sa orkestra ng pag-ibig kaya’t tinutumbasan mo ang individual differences ng mga katagang Love is unconditional. 

Hanggang sa tuluyang mapagod ang manunugtog at tumigil ang orkestra. Gigising ka isang umaga na wala na siya o di kaya ay katabi mo siya pero wala na siyang nararamdaman para sa’yo. She’s there but not her presence. Daig pa siya ng mga multo, mararamdaman mo ang presence kahit hindi mo nakikita! 

Naaalala mo pa ba yung mga araw na andun siya pero alam mo na naghahanap ng diskarte para sabihin sa’yo na ‘wala na tayo’ Yun bang utang na loob mo pang maramdaman na pinoprovoke ka niyang makipaghiwalay para naman hindi masagasaan ang ego mo. at ikaw naman, holding on pa rin. Na nakakarelate ka na sa linya ng kantang Walang Kapalit – ‘wag mo lang ipagkait, na ikaw ay aking mahalin. 

Naranasan mo na ba na sa kahinaan niya ay gawin ka niyang panakipbutas. Yun bang ‘dyan ka lang, wait ka lang, pag hindi kami nagclick, babalik ako sa’yo’ 

Dahil alam niyang mahal na mahal mo siya. Dahil alam niyang maghihintay ka. Alam niyang tatanggapin mo siya – at kahit hindi niya aminin, he’s capitalizing on the fact that you are under his power. dahil siya ang sentro ng  mundo mo. Para sa kanya, wala ka na kasing ibang mapupuntahan. Dahil para sa kanya, tanga ka. At ang tingin niya sa’yo ay default. 

Magalit ka na sa akin, sabihin mong hinusgahan na naman kita, na wala akong karapatang sabihin ang mga iyan, so bakit ganyan ka magreact? Apektado ka? 

Hindi ba mas katangahan yung alam mong ginagawa kang tanga pero wala kang magawa. 

Isang sekreto ng buhay ang natutunan ko.  

Kaya kong gawin ang lahat ng gusto ko. Kaya kong makuha ang lahat na naisin ko. May kapangyarihan ako. Pero ang kakayahang ito ay may hangganan. Hindi nito makukuha o makokontrol ang iba. Dahil hangganan ng kapangyarihang ito ang will ng tao. Katumbas nito, hindi ako makokontrol ng ibang tao. Dahil makapangyarihan ang will ko. Ako ang masusunod – ayon sa kalooban ko. Hindi sa kalooban o gusto ng iba. 

Totoong minsan ay mahina ang will ko – o yung will power na tinatawag. Pero agad kong sinasabi na walang sinuman ang magpapasunod sa’kin. Dahil buhay ko ‘to. 

Sa nakaraang relasyon mo, nasa ilalim ka pa ba ng kapangyarihan niya o narealize mo ng makapangyarihan ka at kaya mong tumayo, mabuhay at magpatuloy? 

Alam ko ang sasabihin mo, mahirap magmove on dahil hindi mo rin siya kontrolado kung kelan siya magpaparamdam. Minsan, babalik siya ng hindi ka pa handang sabihin sa kanya na tantanan ka na niya. 

Ang pinagmulan at bunga ng pag-ibig ay kabutihan. Kung hindi na nakabubuti sa’yo ang sitwasyong iyan, subukang mong pag-isipan kung pag-ibig pa nga iyan. 

Baka awa o panghihinayang? Hindi masamang dumistansya lalo na kung nakasisira na ang relasyon o kung nasisiraan na siya ng bait at sumasablay ang katinuan.  

Talagang may taong hindi alam ang gusto. Babalik at babalik sa’yo. Magpaparamdam pero hindi mo alam kung bakit. Kung namimiss ka lang ba? Kung naghahanap ng mahihingahaan o minsan, naghahanap lang ng kasex. At ikaw, mag-ooffer ng time, sasabihin mo sa sarili mo na makikinig ako hindi bilang kasintahan kundi bilang kaibigan, hanggang sa magising kang lugmok na naman sa piling niya. Sa ibang kama, sa ibang kwarto o minsan, sa sarili mong bakuran. Well, sinong may kasalanan? Sino bang nagpatuloy? 

Ituring mong sakit iyon. Yun bang katok ng katok pero hindi papasok, magpaparamdam pero hindi magpapakita. Yun bang nakikiramdam lang. Check lang nya kung okay ka pang balikan base sa reaksyon mo.  

Nalugmok ka nang minsan. Hindi mo kasalanan kung hindi siya makaahon. Pero kasalanan mo kung hindi ka makaahon dahil ikaw at hindi siya ang may kontrol sa buhay mo. May will power ka. Subukan mong ihampas sa ulo niya at baka gumana. O baka naman kailangan mong masaktan para magising. Sabihin mo lang at dadagukan kita. 

Tingnan mo rin, baka ikaw na lang ang nagkukulong sa sarili mo.  the truth is, he or she has no power over you. 

Siya nga pala, happy Independence Day sakaling maisipan mong lumaya at magmove-on! Kung hindi naman… my condolences. May you find peace at the bottom of hell under her spell. 

Lugmok facts

The stupid cupid philosophy: 

1.        Totoong may sariling diskarte ang puso. Pero isipin mo rin na ang utak, puso, bituka, magkakaiba man ay nasa iisang katawan. Hindi mo pwedeng sisihin ang puso o ang utak o ang bituka. Wala silang karapatang kumilos ng taliwas sa gusto mo. Pasalamat ka, dahil kung meron, malamang nauna na silang nagpatiwakal dahil sa sobrang kakornihan at kababawan ng pinoproblema mo.  Huwag mo ring hintayin na lumabas ang bituka mo at pilipitin ang leeg mo.

2.        Kung niloko ka lang, hindi ka pa pwedeng ituring na tanga. Pero nung alam mo nang niloloko ka at wala kang ginawa, ginawa mong tanga ang sarili mo.

3.        kung hahayaan mo ang sarili mo na malugmok dyan at makita mo siyang nakamove-on na, tiyak iiyak ka sa sakit. Kaya unahan mo na siya.

4.        kung nagpaparamdam siya at nagpapaawa effect, busan mo siya ng malamig na tubig at sabihing you’re nothing but a second rate, trying hard, copy cat. Bumenta na ang kadramahan niya. Saka mo sundutin ng I never said that I love you!

5.        Bawas-bawasan mo ang panonood ng mga dramarama at mga telenovela. Masyado ka ng maemote sa buhay.

6.        ‘Wag mo ng masyadong ikunukuwento sa madla ang kasawian ng pag-ibig mo. karamihan sa mga interesadong makinig e naghahanap lang ng bagong mapag-uusapan. Hindi ibig sabihin na tumatango sila e nakikisimpatya sila. Piliin  mo lang ang mga kaibigan o kamag-anak na pagkukuwentuhan mo, yung siguradong tutulong para makamove-on ka. Pero kung celebrity ka, okay lang na maging public entertainment ang buhay mo, dagdag kita ‘yan.

7.        kung may natatapos, happy ending man o hindi… may magsisimula. Isulat mo sa final credit ng pelikula ng buhay mo ang pangalan niya bilang bahagi ng nakaraan. Sa ilalim ng pangalan niya ay ilagay mo ang mga katagang Rest in Peace. Ang mga relasyong tinapos na ay huwag mo ng buhayin. Magsimula ka na ulit ng panibago.  Ito ang best gift sa atin, ang makapagsimula. Palatandaan lang na tapos na at may pagkakataon ka ng isulat o likhain ang bagong kabanata ng buhay mo.


Posted by forgotten-vodka at 11:27 AM JST
Updated: Wednesday, 31 October 2007 9:31 AM JST
Share This Post Share This Post
Post Comment | Permalink

Newer | Latest | Older