She is the only person I can be honest and open with. She has this “style” that
can make me smile even in deepest trials that no one else could.
Pano ko ba kasi nakilala to? Nung November yun eh, wala ko magawa, pasok ako sa chatroom na hindi ko
naman talaga gawain. Pinagtatawanan ko lang yung mga pervert na pinagtitripan ng mga tao dun. Basa lang ng conversation nila.
Until ayun, nakilala ko sya. ang kulit talaga. Peste sa buhay ko! parang masayang-masaya sya pag napipikon ako. Gang sa naging
textmate, eh ganun pa din, bwisit sa paggising ko!haha
Nagpalit ako ng sim. Di ko sinabi sa kanya. Kasi may girl friend din ako nun eh pinagseselosan sya. nung
Christmas, nagbreak kami ng girl friend ko at nag-internet ako out of depression and boredom. Surprisingly, online sya. kinuha
ko ulit yung number nya. Ayaw pa nga ibigay eh, napilit ko lang hehe galing nga eh kasi parang ang gandang gift nung Christmas,
I mean so far, it was the best Christmas gift ever! Knowing her made me realize na blessing in disguise yung break up namin
ni melai.
Ayun balik sa dati, asaran, kulitan, laglagan, pikunan… until nakipagbalikan gf ko. hala… confused
na ko. pano gusto ko na rin ata tong pasaway na to. Broke up with my gf and told her na gusto ko sya. hirap nun kasi kinakabahan
ako, parang takot ako kasi baka pagtawanan nya lang ako. Friday nun, nagsimba pa ko sa santisimo rosario bago ko nasabi sa
kanya yung nararamdaman ko. haha true enough, pinagtawanan nya lang ako.
Kaso kasi matyaga ako, hindi ko na pinakawalan, mahirap na. ngayon, bestfriend ko sya. gulo ko kausap noh? Haha basta kunyari alam nyo na.
naiintindihnan nya lahat sakin, tanggap nya lahat, kaya ko sabihin sa kanya lahat, about anything, pag-kausap ko sya, at ease
ako. Panatag ako na maayos ang lahat. Magaan sa pakiramdam. Masaya ko sa mga debate, kahit kadalasan pikon ako. Kung anumang
meron kami nun, ngayon, mas pinatibay ng friendship namin. Sobrang swerte ko na rin kasi nakilala ko tong best friend kong
to…and parang I can’t imagine life without her in it. Sino ba to? Si pasaway, si kat-kat! hehe
Blog ni Kat
|