Parang ang tanda ko na! hahahaha
Hindi ako perfect kaya hindi ako naghahanap ng perfect na buhay o magulang o kaibigan o girl friend. Gusto ko
lang yung totoo sakin at syempre malaking bagay yung may mabuting kalooban. Lahat naman kasi ng tao mabait, pero konti lang
ang may mabuting kalooban. Tago naman kasi lahat yan, façade lang ang nakikita natin sa umpisa. Depende na rin sa tao kung
ano yung ipapakita nya at kung anung makikita sa kanya ng mga tao. Kasi di mo naman makikilala ang isang tao sa kung ilang
sandali lang. Pwera lang siguro kung social psychologist ka. Hehe
Kaya sa pakikitungo dapat sa isang tao, you know whom to trust. Dapat alam mo kung sinong sasama sayo pag iniwan
ka na ng mundo. Kasi some people can be deceiving. Magaling mambola at magaling magpaikot ng ulo. Ganun pa man, dapat iniintindi.
Kasi di naman natin alam kung bakit sya nagkaganun. Malay ba natin kung gano kahirap ang napagdaanan nya sa buhay kaya ganun
na lang sya? Wala tayong alam, kaya dapat lawakan natin ang pag-intindi natin. Aaminin ko, maiksi pasencia ko at padalos-dalos,
yung mga tao around me, pinagtitiwalaan pa rin ako at iniintindi. Kaya sa abot ng makakaya ko, ganun din ako.
Naalala ko, nung highschool. Yung classmate ko, inaasar ako. Alam mo na, bully. Kung anu-ano sinasabi nya sakin.
Nakangiti lang ako sa kanya, yung tipong nang-aasar din. Hindi ko sya pinapansin, smile lang ako tapos isang foul na hirit
na pang-asar. Hinamon ako ng suntukan, smile pa din. Haha lalo sakin nagalit tapos akmang susuntukin ako, nakita nung dean
of discipline. Haha suspended sya kasi gumagawa ng gulo daw. Ang payat payat nun, nabuhat yung armchair eh bakal yun haha
sa galit sakin. Inihagis sakin yung silya, umilag lang ako tapos nasira nya yung dingding. Office nanaman sya haha. Inasar
ko uli. Tawa lang hahahaha. So you see, sa atin, di tama ang gumanti. Dapat cool ka lang, wag papaapekto sa galit ng iba.
Kung galit sya eh di galit sya, ikaw dapat hindi. Haha kasi baka magkasakit ka pa sa puso pag dinamdam mo yung galit nya.
Sabi nila, lampa daw ako kasi lumaki sa isang Catholic school na mas maraming girls kesa boys at pinamumunuan ng mga madre.
Hehe ganun ba yun? Hindi siguro ganun, naturuan lang siguro ako ng tamang asal na hindi ko sure kung nakalimutan ko na ba
yun ngayon hahahaha
|