Interests: sleeping 24/7, eating,
reading, manuod ng basketball chaka boxing, sleeping uli, manggulo ng buhay at bahay, cartoons, donut, mangulit at mangulit
uli, mag-aral ng html coding buong araw kasama ng maiiingay na love birds ng kapatid ko, mag-internet (surf lang kahit saan
para makakuha ng info kahit di naman talaga kailangan), magbutingting ng mga ilaw na hindi sumisindi at electric fan na hindi
umiikot, tumugtog ng percussion, piano, gitara basta lahat!self-study lang hehe, gusto ko lalo yung mga sports na pwedeng
ikamatay agad sa sobrang delikado! saya nun! hahaha
Favorite Books: chronicles of
narnia, the vinci code, the prayer of jabez, the alchemist, Tuesdays with morrie, veronica decides to die, the pilgrimage,
pen and ink, phantom of the opera, moby dick (oops, joke lang! Hahaha) sybil, ab psych at social psych book pati DSM IV. Favorite
kong authors sila Paulo Coehlo, Mitch Albom at Dan Brown. minsan pag kawala-walaan, pinapatulan ko na yung mga text book,
saya din minsan basahin, marerealize mo na maganda pala yung libro mo, pumangit lang ang image dahil sa nagmamadali at laging
absent na professor. gusto ko talaga yung sybil, yung batang may 16 personalities! galing e kasi meron syang multiple personality
disorder plus ang ganda pa ng pagkakasulat nung writer. hehe
Favorite Movies: matrix, daredevil,
butterfly effect, city of angels, finding nemo, phantom of the opera, a beautiful mind, shark tale, band of brothers (buong
series) basta mahilig ako manuod. mostly gera chaka mga heroes. gusto ko rin ng mga nakakapsych na movies yung tipong iikutin
yung imagination mo! haha ok din sakin comedy saka cartoons. papasa sakin kahit nakakabobo kaya ko nga gusto si spongebob
kahit wala syang sense hahaha kapag wala akong magawa, manunuod lang ako ng dvd. e ano kung napanuod ko na? Haha basta wala
akong kasawaan manuod.
Favorite music: paiba-iba, depende
sa mood. pag depressed gusto ko yung mga sumisigaw-sigaw. pag masaya, gusto ko yung mga chill-out music. yung favorite artists
ko syempre rivermaya, spongecola, sugarfree, mojo, radioactive sago project, mr. big, the cascades, etc. madami sobra! pag
tinopak, chinese songs yung traditional, patinisan ng boses at pare-pareho ng melody. brain-draining kumbaga. hahaha pag stressed,
ilabas na ang classical music ala mozart chaka Jesuit songs, yung mga kinakanta sa simbahan na Ateneo choir ang kumanta.
|