Ultimate Dream: makapunta sa outer space at pumunta sa ibang galaxy! pero
dahil hindi pwede... tumira sa beach at mag-star gazing.. tapos mag-gala sa buong Pilipinas kasama ang taong mahal ko.
In Addition: umakyat sa bundok, tapos sabay sakay ng airplane, sabay talon!
err.. sky diving! tapos, sabay scuba na rin pagkatanggal ng parachute! haaay.. kelan kaya? minsan..gusto ko lang sa mga tao..
matao.. mga tambay sa tabi tabi.. mga bata.. mga matatanda.. mga nagtitinda.. mga bumibili.. mga dumadaan.. mga nagaantay..
mga namamasada.. mga sumasakay.. mga katabi.. mga maiingay.. mga natutulog.. mga nagbabasa.. mga umaakyat.. mga bumababa..
mga tumatawid.. mga nagmamadali.. mga nadadapa.. mga napapahiya at nahihiya.. mga napapahiya at natatawa.. mga namamalimos..
mga walang pkialam.. mga tumitigil at tumitingin.. mga tumitigil at may ginagawa.. mga umiiyak.. mga masaya pero hindi.. mga
hindi pero tumatawa.. mga naglalakad.. mga nakaupo.. mga gumagawa rin ng mga ginagawa ko.. nakaupo, nkatingin, nkatulala,
pinagmamasadan ang mga dumadaan.. mga.. lahat.. sila.. pati ako..
Motto: may bukas pa.. pero mas gusto ko, ngayon na..chaka minsan yung mga
imposible hindi lang nasusubukan, kaya dapat subukan para malaman!
Gusto ko lang: nag-psych ako para maging pre-med sana. gusto ko kasi maging
surgeon. pero kulang sa budget at di practical, umatras na ko. pwede naman nang magtrabaho pagtapos ng psych. nung nag-apply
ako, dalawa lang university, UP at UST. Naturalmente, bagsak ako sa UP. First choice ko sa UST, psychology ant second choice,
Computer Science. nagdadalawang-isip ako kasi pareho ko sila gusto. pareho naman pumasa kaso mas gusto ko ata yung psych pero
mas malaki ang kita sa comp sci. ewan ko kung bakit dun ako pumunta sa interview para sa psych. hehe dun tuloy ako natuloy.
habang nagsa.psych, side line ko na lang yung comp sci. natuto ako sa computers dahil lang sa textbooks at internet. dun lang
ako nag-aral pero natuto ako gumawa ng website, html coding, code creating, hacking, frontpage, flash micromedia, etc. I was
able to develop my personality at matuto ng coding ng sabay hehe di na ko nagsisisi kung mali man yung ginawa kong hakbang,
basta I’ll live my life to the fullest na lang. hehe