Forgotten Vodka

Break-Up Line

Babala
In Solitude
Ako
Ako Nanaman
Mga Bisyo
Mga Raket Ko
Mga Pangarap
Peborits
Mga Tao
Crush Ko - My#1
Crush Ko - My#2
Crush Ko - My#3
My Photo Album
Bespren
Miner
Miner Uli
Mine & Me
Soul Mate
Babae
Love Story I
Self-Confidence
Nakaraan
Secrets
Ako Daw Ay
Mga Tula At Kwento
Favorite Articles
My Blog
My New Blog
Natutunan Ko

by Vodka Chill, June-July 2004 Issue, CSJournal

Here..look I bought some new magazines.

Wow let me see, new issue ng cosmo? Ano naman to?

Ah yan ba? Kikay kit.

Ang sweet naman ng beb ko, thanks ha!

Napakunot nuo ako sabay taas ng isang kilay, Hindi naman sayo yan eh. Sabay tungo para mawala ang kaba. Eh kanino? May bago nanaman bang babae?

Huminga akong malalim at sinabing, Uhm, oo eh, may bagong babae...ako! Akin tong mga to. Natuklasan ko na ang tunay kong pagkatao.

Ano?! Kitang-kita na biglang-bigla sya. Seryoso ka?

Sister, I bought these for me cause I wanna attract guys. Ganda ng shades noh? I love my pink kikay kit. What do you think ha?

Kinabahan ako kasi wala syang reaction. After long silence, tumawa sya ng malakas then stopped. Kaw talaga beb, lagi mo na lang ako pinapatawa.

Huh? Beb?! sister na lang. Pero you know, I'm serious. Bading ako. Tiningnan nya ko sa mata at ngumiwi ang bibig. Goodbye! Break na tayo! Bading! Sabay takbo palabas.

Yesss! Haaay. Heaven. Thank you, Lord! Simpleng-simple, nakakalas ako. Akala ko sasampalin nya pa ko bago sya umalis sa apartment ko. Buti na lang gumana ang aking bagong break-up line #7: Sis, bading ako.

Oo, ika-pito na iyon sa mga linyang nagamit ko para makipag-break sa mga naging girlfriends ko. Yung iba, seryoso at kadalasan, laro lang. Sa termino ng mga babae, landian lang ba. Yun! Hanggat maari kasi ayokong masaktan gaano yung babae kapag gusto ko nang bumitaw. Mas ok kung magagalit na lang siya sa akin at ako yung masaktan. Gusto ko na lahat ng sisi ay sa akin mabunton. Kaya lalabas na hindi ako karapat-dapat sa kanya. Ako ang mali. Mas ok yun.

Naalaala ko pa yung break-up line ko sa una kong girlfriend, na itago na lang natin sa pangalang Umi. You deserve someone better.

Di ako masyado nahirapan kasi di nya na-gets. Kala nya ang sinabi ko, I deserve someone better. Sabi nya Siguro nga, di ako ang babaeng para sayo. Gusto kong matawa pero pinipigil ko lang. Hindi nya ko inaway, nanahimik lang sya. Pero pucha, yung barkada naman ang lumapastangan sakin. Alam mo naman pag highschool, ang mga babae kabit-kabit.

Parang nangyari samin sa napakaselosa kong ex-girlfriend na si Sakura. Barkada rin nya ang umaway sakin. Whats her story? Si Sakura mabait, magaling mag-advise, basta in short, ok sya. Except lang sa pagiging absorbed nya sa horoscope at mga hula sa baraha. Mala cardcaptor Sakura ba. Sabi nya wag daw ako didikit sa mapuputi sa araw na yun dahil baka mainlove ako sa iba. Medyo di ko napansin, napadikit ako sa isang maputing babae. Inaway ako. Galit na galit. Araw araw na lang ganun, ibat-iba ang bawal dikitan, hanggang sa mabwisit ako. Wala naman kasing kakwenta-kwenta. At sinabi na ang aking second break-up line.

Sakura, may problem eh, parang di tayo pareho ng wavelength kaya di tayo magkasundo, hindi mo ba nakita sa cards? Hindi ata tayo para sa isat isa eh.

What do you expect? The next day, tinaray-tarayan ako ng buong barkada nya. At take note, para silang choir! Wahahahaha Deadma lang naman ako.

Isa pang break-up line na ginamit ko sa ex kong ikubli natin sa pangalang, Chacha.

Its not you, its me.

Gagits ko, nakalimutan ko suki pala sya ng Candymag. At nabasa na nya pala na isa yon sa pinaka-gasgas na linya para makipag-break, at favorite ish na pa pala yun. Eh, di siyempre buking ako na ayoko na lang talaga sa kanya. Nag-iiyak siya na parang walang bukas. Hindi siya tumigil sa pag-iyak at talaga namang ayaw bumitiw sa akin. Parang naka-glue na sya sakin. Hanggang sa sinabi ko na lang na, O, sige, tahan na, Chacha. Susubukan ko na mahalin ka uli.

Tumahan naman siya sa wakas at nagmadali na ko umalis sa bahay nila. Hindi na ako bumalik uli doon. Hindi ko yun makalimutan at sobra akong nakonsensya sa nagawa ko. Mula noon, ipinangako ko na hindi na ako muling magpapaiyak pa ng babae. Tsaka hindi rin nakakatuwa ang makasakit ng damdamin ng ibang tao. Pero minsan, hindi talaga maiiwasan. Tutal, the truth hurts naman daw, ika nga.

Tulad ng nangyari samin ni Irka. Matalino sya. Nakakabilib magsalita at napakasweet. Kaya lang nuknukan naman ng pagkasensitive. Lagi akong inaaway tapos palalabasing sinaktan ko sya. Pati nanay, tatay, mga kapatid, kinakausap ako ng mga linyang para bang ikakasal na kami. Hanggang second base lang nga ko dun. Inisip ko, matalino to, magegets yung mga simpleng break up lines. Kaya pinaghandaan ko na sya.

Beb, where have you been yesterday?

Uhm sa greenhills

What did you do there?

Kala ko nga kakanta na kami ng London Bridge is falling down eh. Ive been to London to visit the Queen. Hehe

Nga pala beb, nakita ko si Umi, yung first girlfriend ko.

Ah yung maganda, mabait, matalino, et cetera. Mahal mo pa sya noh?

Alam kong itatanong nya. Oo nga eh, mahal ko pa nga sya siguro.

Tumayo sya at sinampal ako sabay sabing, Break na tayo! Sinubukan ko syang habulin para di naman masyado halata. Pero sabi nya, Hihirit ka pa, huling-huli ka na! I dont wana see your face again. Ever! And pooff! Nawala na sya. Ang galing ko talaga. Medyo masakit lang yung sampal.

Hindi ko na ikukwento yung pang-apat at pang-lima kong break-up lines na matapos kong sabihin kila Yui (na bestfriend ni Miyaka) at Geri ay tinuhod ako dun. Malamang maganda yung break-up lines ko sa kanila dahil mukhang hindi sila nahirapang kalimutan agad ako o baka dahil laro lang ang nangyari samin. Parang hindi sila gaanong nasaktan kasi di naman nila ko talaga minahal. Infatuated lang kami sa isat-isa. Kaso ako naman ang namilipit sa sakit. Salamat sa Diyos at di ako nabaog.

Nung gusto ko nang kumalas mula sa babaeng tawagin na lang nating Miyaka, chaka ko sinabi ang aking breakup line # 6. (Pareho kasi sila nung babaeng bida sa Fushigi Yuugi).

Mabait sana si Miyaka, sobrang ganda, mestiza, super-sexy at talaga namang mahilig. Akala nya ata alkaline battery ako, Energizer, keeps going and going. Nung una, sabi ko, aba ayos to ah, walang kiyeme. Pero hindi na pala masaya pag palagi na. Draining, hapis na yung mukha ko! Ang payat payat ko na. Kaya isang araw habang nanunuod kami ng practice ng football sa field, nagpasama ko sa Ecclesiastical Department.

Bakit beb? Sinung pupuntahan natin sa seminary?

Wala, sasamahan mo lang ako kumuha ng application form.

Sino mag-aapply beb? Si anya ba? Impossible naman atang si shoti, ang bata pa nun eh.

Ah beb matagal ko na sanang gustong sabihin sayo to eh nakita ko na yung sign na hinihingi ko. Gusto ko sanang mag-pari.

Beb, wag mo kong biruin ng ganyan, baka maniwala ako.

Hindi beb, seryoso ako! Natulala sya sandali. Iniupo ko sa may mga silya sa Calderon. Sabay tanong, Ok ka na?

Medyo. Naiintindihan ko naman eh. Tumahimik na sya. Ako rin, deep inside, natuwa. Tatayo na sana ko ng bigla syang nagsalita. Beb, one last f*ck? Haha! Kakaiba talaga yung babaeng yun.

Ngayon, libre na naman ako. Pero siguro, hinay-hinay lang muna. Wala pa talaga ako sa commitment mode. Habang yung mga naging gf ko, lahat sila nag-iisip na agad ng tungkol sa sakalan, este, kasalan pala pagkatapos ng isang buwan. Kung mapapansin nyo, beb lahat ng tawag ko sa kanila. Bakit? Ano ba, syempre para di halata. Walang huli! Magkamali ka man ng tawag o text. Pag beb lahat sila, kahit pa sabihin mo sa panaginip mo yun, mata-touch pa yung katabi mo. Di ba? Style yun, ok ba?

Pagkakamali ko rin kasi kung tutuusin. Nahihirapan akong mag-open up ng maaga at sabihin agad sa babae na wala na talagang pag-asa ang relasyon namin. Masyado kasi akong mabait, nakakainis! Kumbaga, hinahayaan ko bang magkaroon ng false sense of security yung babae; dahil nga pinapatagal ko pa ang pakikisama ng mabuti sa kanya, kahit sa loob-loob ko ay ayokong-ayoko na talaga.

Siguro sa susunod, mas magiging matapat na lang kaagad ako. At the susunod, pag di na beb ang tawag ko sa girl friend ko, malamang seryoso na ko. Ayoko na uling gamitin itong break-up line #7 kahit pa mukhang epektibo siya. Baka mahipan ako ng hangin! At ayoko na ring madagdagan pa itong listahan ko ng break-up lines. Tama na ang pito!

Writer: Vodka Chill
Initials: C. J. L. J.
Phi Chapter, UST
3 pgs, entry # 31 for june/july issue
2004

Back to Mga Tula at Kwento Page

All Rights Reserved. Carlos Jao 2007.