Bula-an
Tangay-tangay ka ng hangin
Sumasabay sa anod ng buhay
Dahan-dahang lumulutang
Sa aking harapan
Unti-unting lumalapit
Pagkunway sumasayaw
Nililibang mo ako
Sa sari-saring kulay
Hinuli mo ang aking atensyon
Nakabubulag
Nakakaadik ka
Pero nung ako na ang lalapit
Para hawakan ka
Bigla ka na lang pumutok
Naglaho
Sumama sa hangin
Na nagdala sayo
Malapit sa akin
2005-0208
Vodka Chill
Projectile
You came so dense
Hitting me
Striking me
Sank me in a glow
Following footsteps
Of a discreet
Soulful hush-hush
Spellbound
Missing you
Surviving for you
2005-0209
Vodka Chill
Buga
Saya tingnan ng apoy
Sumasayaw
Galing bumuo ng pigura
Astig
Dadalhin ka nya doon
Maghanda ka na
Sa bingit ng tuwa at saya
Maling tapak
Lagot ka
Tamang lapat
Swabe
Kelan dapat tumigil?
Pag illegal na
O wala na
In short, pare
Nevah!
2005-0209
Vodka Chill
|