| Ano ba ang mga bagay na nagsisilbing indikasyon sa pagiging tagilid o sa mas eskandalosong salitang bading? Lahat na lang
                                    halos ng tao ay hinahanapan ng butas ang isang lalaki pagdating sa sekswalidad. Pano kamo? Pag nakita mong naka-pink, malamya
                                    kumilos, at walang gelpren, ang duda ng karamihan, bading na. Lahat halos ng galaw ng isang lalaki ay maaring gawing batayan
                                    upang sabihing nasayo ang senyales ng isang bading. Bagamat ito ay isa sa mga luma at napakasensitibong paksa na nuon pa may
                                    naabuso na, ibig kong maglantad ang aking kurokuro sa isiping ito. Ito ang aking unang latha tungkol sa paksang ito at ngayon
                                    pa lang, ako man, ay maaring sabihan na kabilang sa ikatlong sekso sa kadahilanang inilahad ko kung gaano karumi mag-isip
                                    ang mga tao sa kanilang kapwa-tao. 
                                    
 Ang nakapakong depinisyon ng isang tunay na lalaki siguro ang tunay na dahilan kung bakit masyadong mainit ang ilang tao
                                    sa pagpuna o panghuhuli ng "hindi nila kauri"
 
 Kagabi lamang sabi sakin ng gelpren ko, "Babe, ang ganda talaga ni shaina, kahit walang make-up. Nakakatibo. Ang
                                    ganda talaga!" Hindi ko ito pinansin at natawa lang ako. Ngunit paano kung baliktad? Ako ang magsabi sa kanya na, "Shet!
                                    Alam mo nababakla ako kay DingDong Dantes. Ang pogi nya talaga." Hindi kaya malaglag sya sa kinauupuan nya at biglang
                                    mahimatay? Katanggap-tanggap ba? Kung ang babae nanuod ng NBA na kadalasang kinahihiligan lamang ng mga lalake, ay okay lang.
                                    Ngunit kung ang isang lalaki ang nanuod ng concert ng Spice Girls, isang taas kilay at mahabang hmmm na ang kasunod. Bakit?
                                    Dahil sa ginawang batayan ng nakararami na halatang-halata namang double standard o hindi patas sa mata ng nakararami.
 
 Sabi nila, walang aaming lalaki na kinikilig sila kahit pa nakikita mong nag-i-isparkle ang mga mata nila sa tuwing kausap
                                    o kasama ang kanilang sinisinta. Sa kababaihan, halata ang kanilang pagtili, at pagkapula ng pisngi. Kahit pa magpagulong-gulong
                                    pa ang mga ito sa kama ay wala namang mag-iisip ng kakaiba sa kanila. Hindi ganito ang expression naming mga kalalakihan sa
                                    kilig na nararanasan ng lahat ng nilalang. Simpleng ngiti, nagniningning na mga mata lamang at pigil na pigil pa. Composed
                                    sa salitang ingles. Sabi nila, walang ni isa mang aamin na lalaki na kinikilig sya sa takot na mahusgahan. Ngunit iyan ba
                                    talaga ang kagustuhan ng kababaihan? Ang hulaan ang nararamdaman ng mga lalaki? Bakit mo pa kailangang pahirapan pa sya kung
                                    talagang gusto mong protektahan at alagaan sya? Hindi bat mas nakakaflatter sa kanya na malamang nakakapagpakilig sya ng ibang
                                    tao, malay mo, kung type ka rin nya? :)
 
 Sa mga lalaking praning sa pagpapakita ng kanilang sekswalidad, pipiltin nilang magkaron ng standards kung ikaw ba ay
                                    tunay na lalaki o hindi para lamang maprotektahan ang kanilang mga imahe. Hindi nila namamalayan na sa kanilang pansariling
                                    hangarin ay nakatatapak na sila ng pagkatao ng ibang tao. Totoo man ito o hindi ang kanilang iniisip, ganun pa rin, nakakasagasa
                                    pa rin sila ng damdamin ng kanilang kapwa. Kapag napatunayan na nila na ganun nga, ano namang mapapala nila? Mumura ba ang
                                    bigas dahil nakatuklas sila ng isang lalaking paminta? (salamat sa salitang yun meimei) E pano pala kung hindi? Hindi bat
                                    isang malaking pagkakasala ang mambintang sa kapwa?
 
 Ang pamantayan daw ng isang tunay na lalaki ay pagiging gentleman. Hindi mahilig sa chismis at lalong hindi gumagawa ng
                                    chismis. Sa sikolohiyang panananaw, nariyan ang mga taong homophobic o mga nilalang na sinusuka ang mga bading at tibo. Kadalasan
                                    sila din ang mga pilit na nanghuhuli at nanghuhusga ng mga lalaki na may tendency na maging bading. Naisip ko lang...kung
                                    ganung mahilig sila sa chismis, intriga at kasiraan, hindi bat isang malaking kabadingan yun? Ngayon...talaga bang wala silang
                                    tyansang maging bading dahil sa ipinapakita nilang matinding pagkaayaw at panghuhuli ng bading? o ikinukubli lamang nila ang
                                    bugso ng emosyon upang hindi mabuking?
 
 Forgotten-Vodka 2008 (im back!haha)
 |